\^(-.-)^/
Saturday, April 28, 2007
I cry but not in front of other people. I cry deep inside... It hurts.
Temporarily on hiatus...
|
1:59 PM$BlogItemDateTime$>
Happy Easter!
Sunday, April 08, 2007
Well almost one month na naman akong nawala ah. Anyways, just popping in to let you know that I'm still alive and has some important stuffs to dealt with my life, mostly personal...
Ok, Holy Week.
Simula Holy Wednesday, DVD marathon na kami sa bahay. Bumili ang kuya ko ng kung anu-anong DVD para sa Holy Week... kasi asahan mo na walang palabas ang mga istasyon ng tv.
Huwebes Santo, umakyat ng Grotto sa Montallban ang dalawa kong kapatid na babae. Yearly na nilang ginagawa yun. Gusto ko rin sanang sumama sa kanila sa pag-akyat, kaso maa-out-of-place lang ako. Bakit? Kasama nila ang mga kanya-kanya nilang syota *lols* Wala pa akong special someone as of now... Balak ko sanang mag-alay lakad sa Antipolo kaso wala akong kasama... mabo-bored lang ako habang naglalakad.
Nagstay lang kami ng family ko as usual sa bahay ng isang buong linggo. Masyadong magastos kung magbabakasyon pa kami. Mahirap ang buhay ngayon, mahirap kumita ng pera. Kaya yun, sa house lang kami nagpalipas ng sobrang init na Semana Santa. Mabuti na lang at bukas yung Internet cafe' ng friend ko kahit Biyernes Santo, kaya yun medyo nagpalamig lang ako sa airconditioned shop nya.
Biyernes Santo, nakita kong masayang-masaya yung mga bata humiga sa gitna ng highway dito sa amin. Sobrang luwag lalo na nung bandang tanghaling tapat. Wala halos sasakyan. Gawin daw bang playground ang gitna ng kalye ^^
Maniniwala ba kayo kung sasabihin kong, Almost two years na rin pala since nakapagsimba ako? Naniniwala kasi ako na God is Everywhere. Kaya kahit wala ka sa simbahan eh maaari mo syang kausapin. I always pray naman eh, lalo na sa gabi.
|
9:54 PM$BlogItemDateTime$>
halo halo!
Tuesday, March 13, 2007
Aba, aba, aba! Mukhang nakalimutan ko na yata ang aking pinakamamahal na blog. Hindi naman, medyo naging komplikado lang ang ating buhay-buhay nitong mga nagdaan na mga araw kaya medyo nawala ulit ako sa aksyon. Ang dahilan, medyo personal. Pero let me share just a little bit of it. It's again about my parents. Hindi na matigil-tigil yung issue na may another woman
"daw" ang tatay ko. Kaya itong si nanay, lagi na lang nag ng nag... umaga, tanghali ( ay pwera pala tanghali kasi nasa work si tatay ) at kahit gabi. Parang wala na sa lugar yung pagbubunganga nya. Kahit anong paliwanag ng tatay ko ay hindi naman siya nakikinig. Kumbaga sarado na ang utak nya sa anumang paliwanag at hindi na pinakikinggan ang iba. Minsan gusto kong kausapin si nanay, pero parang napipigilan ako kasi nga hindi naman sya nakikinig eh... Nung una, naniniwala ako na may
"another woman" nga ang tatay ko (last year pa kasi tong isyu na to), pero sa ngayon mukhang nagbago na naman siya. Kasi bahay-trabaho lang naman si tatay... umaalis ng alas-otso ng umaga at darating ng mga around 6:30 ng gabi. So kung nambababae sya, malamang eh late na sya kung umuwi saka baka wala na rin syang maibigay na sweldo kay nanay. Hindi nya pwedeng gawin ito during work hours, kasi naging mautak si nanay, may connection sa work place ni tatay ( para bang "spy" *lols* ). Period muna dito, masyado na kasing personal hehe. Ang hiling ko lang eh matapos na sana ang lahat ng ito... magkabati, magkaayos na silang dalawa. Naapektuhan na rin kasi kaming magkakapatid eh. Hindi healthy sa relationship ng pamilya.
Edited: Sa tingin ko naman eh parehong nagkaroon ng pagkukulang o kasalanan ang isa't isa sa kanila. Kasi may nakarating dati na balita sa amin na totoo nga(yung tungkol sa other woman), pero sa nakikita ko ngayon mukha naman nagbago na si tatay. Hopefully eh maaayos din ang lahat. ^_^
Change topic...Kaya ngayon, nililibang ko na lang ang sarili ko sa piling ng mga kabarkada ko. Ayoko nang magisip ng kung anu-ano. So ngayon is busy ako sa mga forums kung saan ako member. Like
Harry Potter Boards,
Hero TV forum, medyo semi active din ako sa
Gaia Online. Before kasi nauso yung mga online games ngayon eh adik ako sa mga message boards. At syempre di mawawala ang pagka-adik ko sa
Neopets. ^^
Change Topic...[ Recently Seen Movie... ]Prince of Tennis Live Action Movie!
Recently ko lang nalaman na meron na palang live action movie ang anime na Prince of Tennis. Bukod sa pagka-adik ko sa Naruto eh, nahu-hook na rin ako sa panonood ng Prince of tennis sa ngayon. Talagang dakilang hobby ng "Otaku" na kagaya ko. Astig itong movie na ito, pero I don't know kung mare-release or ipapalabas ito dito sa atin. Kasi halos karamihan ng Japanese movies eh hindi naman umaabot dito sa Pinas. Kaya mabuti na lang at may Youtube. Mahirap pa kasi humanap ng DVD copy nito sa ngayon eh.
Sobrang astig itong pelikula, ang gagaling nung mga japanese artists na nagsiganap. Yung special effects ay kuhang-kuha rin from the anime series.
Change Topic...Waah! summer na summer na. Ang sarap kumain ng Halo-halo ^_^v
|
11:33 AM$BlogItemDateTime$>
10 katangian ng babaing masarap mahalin
Thursday, February 15, 2007
Belated Happy Heart's Day <3
-------------------------------------------
Para sa akin, ito ang mga katangian ng babaeng masarap mahalin habang buhay ^^
1. May Tiwala sa sarili.
2. May sense of humor. Marunong magluka-lukahan paminsan-minsan. ^o^
3. Pinangangalagaan ang kanyang sarili. Hindi importante sa akin kung seksi o hindi ang isang babae. Ang importante ay ang kanyang kalinisan sa katawan. Sa unang tingin pa lang ay mukhang mabango at masarap yakapin.
4. Mayroon silang common interest ng kanyang partner. Halimbawa, ang lalaki ay mahilig sa action movies, hindi naman kailangang gustuhin na rin iyon ng babae. 'Yung maging open-minded and curious lang ang babae sa mga paborito niya ay okey na sa kanya.
5. Marunong din mangsorpresa. Paminsan-minsan ay gumagawa ng spur-of-the-moment decisions.
6. Matalinong mag-isip at ismarteng kumilos. May matalinong hindi ismarte kung kumilos at may ismarteng kumilos pero ( sorry for the rude word ) bobong mag-isip. Kaya magkasama dapat ang dalawa.
7. Kayang tumayo at magdesisyong mag-isa pero nagkokonsulta pa rin sa kanyang mahal.
8. Mabait at mapagmahal.
9. Misteryosa. Hindi niya ibinubulgar ang lahat ng mga bagay tungkol sa kanya kaya nakaka-challenge tuklasin ang kalaliman ng kanyang pagkatao.
10. Honest and sincere.
|
1:56 PM$BlogItemDateTime$>
Singaw at iba pa...
Monday, January 29, 2007
Ouch!... ilang araw na rin masakit itong bibig ko dahil sa singaw ( mouth sore ). At take note, hindi lang isa, hindi dalawa, kundi Tatlo ang singaw na sabay-sabay na tumambay sa bibig ko. Isa sa itaas ng labi at dalawa sa lower lip ko. Hindi tuloy ako makakain ng maayos. Yung isa pagaling na. Yung dalawa makirot pa rin. Sobrang dry at nagbabalat ang mga labi ko ngayon. Sabi nila kulang daw sa Vitamin C ang taong singawin pero sa case ko, mahilig naman akong kumain ng prutas at gulay, pero sadya yatang the best place 'tong bibig ko para maging tamabayan ng singaw. Siguro nasa genes din ng family namin to kasi singawin din ang nanay ko. Sa kanya ko siguro namana 'to. Ano bang gamot ang iniinom para dito?
Kahapon, taong bahay lang ako dahil namiyesta sila nanay at ang dalawa kong kapatid na babae sa isa naming kamag-anak sa Baras, Rizal. Gusto ko man sumama eh walang bantay sa house. Yun, pag-uwi nila nung gabi ang daming dalang binalot na ulam saka mangga.
Kagabi naman, napanaginipan ko naman yung school ko nung HighSchool. Madalas akong managinip ng mga ganito. Minsan yung school ko nung elementary at College ang napapanaginipan ko... weird... siguro nami-miss ko lang ang mga dati kong classmates. Matagal tagal na rin kasi kaming walang communication eh ^^
-------
Yes! sa wakas naka-download din ako ng
White Line - ending theme song ng
Prince of Tennis ^_^ Sina Ryoma Ehizen at Fuji ang kumanta nito. Dagdag na naman ito sa anime mp3 collection ko.
Tapos ko na rin ma-download yung mga songs ng Dance Battle Audition. Ang hirap maghanap sa internet ng mga songs nito. Wala din akong makita sa Limewire. Mabuti na lang at may mababait na tao sa forums ng DBA na nag-share ng mga links.
|
11:49 AM$BlogItemDateTime$>
Life is a game, get ready to play!
Friday, January 12, 2007
Ayon nga sa isang awiting tagalog
"...tawanan mo ang iyong problema." Ganyan ang ginagawa ko ngayon. Ayoko nang mag-isip pa ng mag-isip dahil baka mabaliw lang ako. Wakokokok! In God's right time naman eh maaayos din ang lahat, righty? ^^
Ayon nga din sa isang nabasa ko,
"We should learn how to lough at our problems. We should not take these problems seriously, but of course, we should not take these problems for granted, but instead, we should give all our best in solving them."Maraming salamat sa mga walang sawang bumibisita sa aking blog lalo na sa mga nag-share ng kanilang thoughts sa previous entry ko sa ibaba. Thanks to Pam, Japboy, Joe, Rina, Isaiah, Seiji-kun and Angel - You rock guys!!! ^_^
Kakambal na siguro ng pagiging otaku (anime fan) ko ang pagiging ps2/pc gamer ko. So ngayon, magpapaka adik muna ako sa online games! Relax-relax muna at mag-enjoy sa paglalaro!
O2 JAM PhilippinesIGN: kawaiifiel
The reason kung bakit naglalaro ako nito ay dahil sa mga astig na music/tunes of this game. Hindi lahat ng music sa laro na ito ay for free. Yung iba, you need to purchase a prepaid card of this game para makabili ka ng preferred music mo. Mura naman kaya sulit na sulit. So far, level 11 pa lang ako at hindi ko naman minamadali ang magpalevel up dahil ini-enjoy ko talaga yung different genres ng music ng game na ito. Madali lang naman matutunan ang paglalaro nito. Basta marunong ka lang mag-type sa keyboard, ok na! wakokokok!
my favorite O2Jam Tunes: Color Paradise, Milk Chocolate, Natal Angel, Electro Fantasy, Storm over the Ocean, Song for you, You were born to be loved, Beautiful Day and Toccata and Fugue.
Dance Battle: Audition PhilippinesIGN: kawaiifiel
Step out to the dance floor and groove to the funky and hip music of Dance Battle Audition Philippines. Nung una kong makita yung game na'to, nasabi ko na
"Masyado yatang complicated at mahirap laruin ito." Pero nung nasubukan kong laruin ay madali din naman palang matutunan. Basta kabisado mo lang yung Arrow Keys, tiyak ma-master mo ang game na'to in no time! So far, low level (Novice) pa lang ako and still earning Den (currency of this game) para sa porma ng avatar ko.
my favorite DBAP tunes: Cannon Groove and Gloomy March.
Neopets!IGN: darkaeon14
Isa sa kina-aadikan kong website sa internet kapag sawa na akong maglaro ng mga online 3D Games. Ini-enjoy ko naman ang aking sarili sa paglalaro ng mga flash games at sa pagte-train ng aking virtual pet sa site na ito. They over 50 virtual pets to choose from at puro astig at cute pa ang itsura^^ Some say na pambata lang daw and neopets. But think again! Napaka hirap i-beat ng top scores sa bawat flash games nila. And as far as I know, 43 years old ang pinakamatandang member ng site nila. How cool is that?
Guys, favor naman. Baka puwedeng paki-click tong link na ito ->

at register naman kayo ng isang account. Referral program ito ng site na magre-reflect sa account ko. Don't forget to validate your account sa email nyo ha? Please!? Onegai!? Thanks!!! ^__^
|
6:44 PM$BlogItemDateTime$>
Happy New Year!
Saturday, January 06, 2007

Bagong Taon na naman, bagong yugto sa buhay nating lahat. Eto at nasa taon na tayo ng
"Fire Pig".
Goal: New Job for me ( this is a must )
New Year's Resolution: Di na ako gagawa ng New Year's Resolution dahil hindi rin naman natutupad... >_<
Hopes and Wishes: Matapos nang lahat ang problema namin sa pamilya lalong lalo na sa mga parents ko...
Change topic...Na-experience nyo na ba sa buhay nyo na pakiramdam mo ay "misunderstood" ka sa pamilya? Kahit anong kabutihan ang gawin mo, parang ikaw pa rin ang masama? Isa pa, minsan feeling mo naman ay hindi patas ang mga magulang mo sa iyo? Yung mga bagay na para sa iyo ay parang ginigipit ka at pahirapan pa bago mo makuha? Yung bang, mas nakakalamang ang iba mong kapatid sa atensyon at mga bagay-bagay at ikaw yung naiiwang kawawa? Ni minsan ay hindi ako humingi sa kanila ng labis. Ang tanging hangad ko lang ay maging fair sila, para lahat masaya... Pakiramdam ko kasi ganito ako...
|
4:59 PM$BlogItemDateTime$>
___[ I N F O . r m a t i o n ]___

I'm Fiel.23.Male.San Mateo, Rizal.Scorpio.
Most of my friends would describe me as Cheerful, friendly, considerate, creative, imaginative, free-spirited, shy, and sometimes weird. Sabi nila may pagka-childish daw ako ng konte, ehehehe. I'm also inquisitive - I love to find things out by my personal experience.
I'm a Certified Otaku and Computer game addict! ^_^ I love playing PS2 / PC games on my free time. I'm a big fan of the Final Fantasy series. I also like listening to Anime Soundtracks and some JPOP songs ^^
Physically? Cute daw ^^, Payat at matangkad ako.
What do I believe in?
I believe in GOD. Although I don't go to church everyweek I do think about Him a lot. I believe in guardian angels too.
I'm a free man! I do what I want, I do what I like, but do not be mislead that I'm liberal minded. I'm just not bound to the conventional and traditional mores of our society. Just as long as I know that I'm not an obstruction to anyone, and I'm not a junk in our society - I do my thing - ENJOY LIFE!!!
______[ T A G . b o a r d ]______
___[ T O U C H E D . l i v e s ]___
Note: From now on, I will be deleting inactive and broken links here on my lists. So if you didn't see your
site ( in case you changed your links... etc. ), please tag me ASAP ^_^
Aaron James,
Abel,
Allan,
AnimeMp3Hunter,
Angel,
Anne,
Arianne,
Arjie,
Arnel,
Barbs,
Bianca,
Byron,
Cai,
Candice,
Camille,
Celena,
Chester,
Chriz Eriz,
Colleen,
Dee,
Demi,
Deng,
Dominic,
Ehji,
Fave,
Gerome,
Glenda,
Greg,
Grysh Mae,
Honney,
Hurwe,
Icarus05,
Ice,
Ikay,
Isaiah,
Jaja,
Jami,
Jazzy,
Jean.movie,
Jhana,
Joe,
Jonnazel,
Justin,
Kamille,
Kat,
Katia,
Lalaine,
Laura,
Let's Go,
Lilprincess,
Lin,
Louise,
Maan,
Mamaru,
Mariel,
Megz,
Micah,
Michelle,
Mikmik,
Mr.Tuesday,
Nachi,
Nagi,
Nelson,
Paeng,
Pam,
Pamela,
Paula,
Pauline,
Phia,
Potpot,
RalphT,
Richard,
Rina,
Robyn,
Rommel,
Sam,
Sayote Queen,
Seij,
Sendo,
Shawboy,
Sherma,
Silent Will,
Steffi,
Tabularasa,
Talksmart,
Tami,
Thea,
Tin,
Tomoe,
Ton,
Unknown,
Veron,
Xiaoluh,
Xienah,
Yna,
Yuki,
Yukinohime,
Yvan,
Yukiya,
Zansui,
Zen119
______[ L I N K . a g e ]______






Thanks for coming visitor #

Hit Counter
___[ A N G . o r a s a y: ]___
___[ A N I M E . m u s i c ]___
My blog is best viewed in IE 6+ in screen resolution of 1024x768